Inquiring about sa PLDT niyo

Aug 23 '20 christiana28 5729 clicks ask

Hi guys, I want to inquire about sa PLDT niyo. I am plan 1299 (10mbps) pero hindi umaabot sa kin ng ganong speed.. less than 5 pa nga :( though yung upload naman mataas... tumawag naman po ako sa PLDT and sinabi nang nakausap ko na Customer Support na dahil daw din sa specs ng PC (hard disk space, memory mga ganon daw), totoo ba? thanks

27 Replies

Naka lan cable k b or marami kayo gumagamit tapos nasa kwarto k tapos yung router mo nasa ibang lugar nang bahay mo?

@Ebiang yes lan cable isa lagn then yung iba wifi naman sila.. isang lang pc ang naka wired. then isang lugar lang ng router

Ang pagka alam k wala s specs nang pc yang speed

try mo rin mag wired connection. sakin kasi, 10mbps yung average ko over wifi pero ang bagal parin kasi nga daw sa specs ng laptop ko. But when I tried connecting it wired, yun! subrang bilis na. umaabot na ako nang 50mbps.

Ang laging sinsabi ng PLDT is “up to” this XXmbps... so di assurance na madedeliver nila ang binabayaran mo each month

May partial truth yung sinabi ng csr, etong phone ko samsung j6+ , ang speed lang nakukuha nya ay 40 mbps. When i run speedtest using my work's hp chromebook or yung aspire 5 both could run at 100 mbps upload/download. Wala akong high end na phone so i cant tell if if there will be difference sa speedtest vs to my j6+. Am on 2899 fiber plan 100 mbps. Yung clause na "up to xxx mbps with xxx reliability" isnt true for a higher end plan. You get more. I get 120 mbps up/download. Mamomoblema ka nga lang sa monthly payment. Ha ha ha.

ay oo tsaka kung gaano ka kalayo sa box. kaya minsan pinagpipilitan nila kahit malayo makabitan lang eh mabagal naman. dati sa baguio hindi ako kinabitan ng globe kasi sabi niya abot naman kaso malayo na kaya sabi niya kung pantrabaho daw wag na lang ako kabitan kai mabagal daw talaga kasi malayo na.

sinasabi dapat yan ng mga agents ng maayos inexplain sakin yan ni sky fiber. kaya daw ang advertisement ay up to 10mbps ang totoo daw nyan 60 to 75 percent lang talaga ng ideal speed ang actual speed kalimitan. kaya kung ang kailangan mo ay 25mbps ang kukunin mong plan ay 30 mbps.

How about PLDT Home Wifi? Any feedback po for this budget-friendly wifi modem?

@jimmie.mertz d ko pa natry.. :(

For me parang di nman talaga 10mbps ang plan na 1299.. yan lng yong range ng internet capacity niya depende sa area at kung ilan kayo na meron same na internet provider sir. Kasi may minimum bandwidth na gnagamit ang pldt.. para siyang computer/internet cafe shop na hinahati niya yong internet sa lahat ng computer na gumagamit.. then kung di din ganon ka bago ang specs ng ginagamit niyong laptop/desktop mi possibility din na mejo mahina tlaga ang internet. Kung freelancer ka maybe try niyo yong mas mataas yong mbps sir.. yong plan niya is almost 2k nah..

PLDTfibr plan 25mbps ako pero pag chineck sa speedtest nasa 30+mbps ang upload and download speed (3 kami gumagamit ng internet sa bahay)

pero nung nka DSL lang ako hnd nmmeet ung mbps ng plan, try mo n lng magupgrade into fibr kung kaya

Yan po ay UP to lang ndi talaga 10mbps makukuha mo. Pwedeng nagreach ng 10 pwede din 5 pwedeng lumagpas ka jan. Ganito po ang facts nyan 1.Naghahati hati kasi kayo ng bandwidth jan kung may neybor kang pldt, maghahati kayo nyan. 2. Kung malayo ka sa box ng pinagkonekan mo. And number 3 kung wifi gamit mo mas mabagal kaya ang advise pag wfh ang gamitin LAN

try connecting your pc through lan minsan sa device compatibility but not on hard disk..

Sir fiber line na po ba yan? Kasi if yes dapat mameet yung 10 mbps.

baka malayo po pinagkunan ng pldt line nyo po sir. kapag mas malayo po ang network access point na pinagkunan ng technician, possible po na mag drop po ang speed.

Hahaha. Kupal yung csr na nakausap halatang walang alam sa pc. Regardless kung mababa ang specs ng pc or laptop kung talagang mabagal net. Mabagal talaga. Why not try to use lan pag ganun pa din kulitin mo lang sila sayang binabayad mo

Check mo sa speedtest.net

Same din po samin 25mbps po kmi pero minsan 1-3mbps Lang grabe tlga tinatawagan nmin #pldt 30mins bgo ssgutin. Kwawa mga nka Wfh Kung lagi ganyan signal mukhang overloaded n line nila Kya dna maayos distribution ng mbps.

Not true unless may problema ang Ethernet or wifi chip ng device mo pero kung multiple device same speed parin sa speed test PLDT problema jan. Check mo mabuti. Baka nag babayad ka ng fiber, DSL plan pala kinabit sayo. At tsaka ang wifi chips eh supported upto 150mbps. So not a chance na device mo yan.

Top