Question about Hubstaff app

Dec 18 '19 Remigio 2993 clicks ask

May nakaranas na ba dito na ang taas ng productivity rate, kahit wala naman masyado keyboard at mouse activities? Like hindi bumababa sa 90% ang weird lang. Ganun kasi nangyari sa akin bale Thursday last week ako nag start sa training namin, tapos na track ang taas ng productivity rate ko nasa 90-99%, like may instance 95% in 9 minutes ganun. First day ng training skype call kami so wala dapat activity yun at dapat bagsak ang rate, hindi ba? pero ang nangyari nasa 94% sya at yun nakita nila sa profile ko from first to last day ng training, pati ako nagulat nung chineck ko ang history eh binibitawan ko naman ang mouse at hindi nagtatype, kaya naging red flag sya, sa ngayon naka hold ang magiging trabaho ko sana as VA dahil doon. Trabaho na sana mukhang maudlot pa, yun pa naman pinagdasal ko na sana bago mag pasko magkaroon na ako ng home-based job.

Possible kaya dahil sa mga applications running sa background ng pc, nagma matter ba yun? Wala kasi ako ibang laptop para itry na mag DL nang hubstaff app para ma observe kung same ang nangyayari. Yun mga nabasa ko about sa bug sa hubstaff app, ang generic ng mga sagot.

Ang nasa isip ko lang na pwede kong gawin na troubleshooting ay idisable ko lahat ng apps sa start up, uninstall ng AV tapos irun ko yun time ng hubstaff app then iobserve kung same pa rin magiging outcome ng productivity rate ko, since wala naman ako ibang laptop na pwede gamitin for troubleshooting purposes, or pwede maki log in ako sa laptop ng mga kaibigan ko para ma check kung ganun pa rin mangyayari. Or uninstall/install hubstaff app.

Nag screen sharing kami ng boss ko kagabi para ma check nya ang nangyayari, pati sya nagtaka nung nakita nya ang result ng screenshot, hindi ko ginalaw ang keyboard at mouse pero ang taas pa rin 😥 hindi man lang bumaba sa 90%.

Nakakalungkot mukhang magbaback to zero na naman ako nito, apply ulit tapos panalangin na sana yun time tracker nila eh hindi hubstaff app.

Thank you sa mga sasagot.

2 Replies

Oo naexperience k din yan. Salot tlga yang Hubstaff na yan. Daming bugs and glitches dahil sa recent update. Unfair namn ng client m, d m namn kasalanan un eh. Try m offer sa kanya na gawa ka ng ping report (documentation of your activities) every 30 mins sa skype as a back up plan in case magloko ulit ung Hubstaff. Yan ginagawa nmn sa client namn before nya gninsert ung Hubstaff sa workplace. We still use both till now. Medyo cumbersome lng sya pro if particular ung client m regarding sa work activities, it's one option to consider. Try also sending email to support baka matulungan ka nila.

Try mo sa Outsource Workers super friendly ng staff and not too strict. If may idle times pwede ka mag explain and they will add the minutes manually.

Top