Declining a job offer 🙉

Jan 24 '20 Sorreda 6036 clicks ask

Declining a job offer.

So a client sent me an invite last night, okay naman yung usapan kumbaga, good to go na contract na lang ang kulang. Today, he messaged me again and said na gusto nya ibaba yung hourly rate that we agreed on ($7.5 yung orginal he wants to change it to $5). Note that the job requires you to process orders, process returns, and refunds, answer emails and manage their social media accounts plus 1 day off lang. $7- $7.5 talaga ang nirerate ko na pag ganito so I told him na hindi ako pumapayag.

Nakakalungkot lang kasi his answer was like "I am not sure why you can't take the $5/hr when I have other Filipino Freelancers willing to take it for just $3/hr."

I get it, some of us are just starting our career and are willing to take lower rates just to build a good profile, but guys, kung ganun ang workload, I don't think anyone deserves that, hindi makatarungan . Nabababaan ako sa totoo lang. And to be honest, isa to sa mga reason kung bakit ang baba ng "tingin" satin ng mga foreign clients.

Sana wag tayo pumayag ng ganito ang treatment satin ng mga clients. Parang love lang yan, know your worth and don't settle for less. Cheret 😁😘

47 Replies

Ang dami nila na ganyan sa OLJ.. Mga nambabarat.. One time nga nakita as in totally management ng isang store, $300 lang, Napa iling na lang talaga ako

reply: "I do have clients too willing to pay $10/hour" 🤣

@Shimada Actually I told him na I have a client who is paying the same rate but less workload. Ayun babye offer na lol

I am doing the exact tasks for 4 usd. Eh starting palang kasi ako. You can always tell them naman na kaya ka nga hiring because you want someone to do it all for you😊 Wait nlng ng increase.. Sana hehehe. Makunat kasi eh

Know your worth. I have a prospect last night. $5 per hour daw. Sabi ko $10 ang lowest rate ko and slight negotiable lang

I agree sa line na know our worth pero sometimes like newbie na bago sa industry like me na pinagtraining pa ng boss tinuruan from zero knowledge. For me it depends sa sitwasyon eh. Kung tenured na and knowledgeable kna tlga sa job offer why not to rate yourself ng mataas pero kung zero knowledge ka at nasa learning stage plng din naman at gusto mag homebased why don't we start from low rate. I'm not against sa pag decline na ginawa mo kasi maaring you are really pro na tlga.Marami sting pinoy gusto mghomebased kaya marami din ang papatol sa $3 per hour or less than.

Sometimes ang “know your worth” talaga ay hindi lamang sa relationship applicable. Nakakalungkot yung mga ganyan. 😞

Know your worth

Ganito kasi, yung iba binabarat skills, divers ang tawag kumbaga, eh tayong antagal na sa industriya minsan ako mawawalan NG gana, kasi nga yung iba dito daig pa mga Pakistani sa baba NG presyo, isipin MO 5 sa ganun ka crucial na trabaho, careful po kasi tayo when it comes to processing especially pera involved, pero yung iba divers talaga. Abay ewan.

my kilala din po akong ganyan. Ilang years na din sila sa ganyan work pero tingin pa din sa sarili nila e newbie pa rin, mas mabuti na din daw kesa sa wala.

Guys I am not saying na mali mag offer ng mababang rate lalo na sa mga newbies. Like I said, I get it. Pero kasi kung mamimihasa sila na "Ay ang mahal ng rate mo eh eto nga si Freelancer XYZ willing kunin ng mas mababa sa inooffer mo eh" Di ba? Tapos yung workload hindi naman din ganun kadali, plus 1 day off lang. Case to case basis parin naman pero sana wag naman yung sobrang baba

Dyan nagstart ang "slave mentality" ng mga pilipino. And because of that, pababa ng pababa ang rate/sweldo sa atin not just sa virtual world, pati sa abroad like middle east. Worst, NADADAMAY yung mga hindi deserve ang ganyang kababang sweldo but wala silang magawa but to take it in middle east kasi nasanay na ang mga employer na ganung sweldo ang binibigay nila sa mga asians aka filipinos.

just let it go, if the client really need you he or she will really hire you, some hire some dont. know your worth

I get your point po. Pero for those who are only starting and without vast experience pa sa scope of work, $5 is a good start na I think. Tbh, I'm even doing the exact same tasks at approximately $4.5 an hour and I'm with my client na for almost a year. For me po, if this kind of opportunity comes in and wala, as in wala, talagang ibang choice personally I'll go for the $5. Ang dami nang aspiring mag work from home ngayon and bibihira na makakita agad nang clients especially for those who are only starting. Hindi po kasi lahat nabibiyayaan ng ganitong opportunity. Kung refuse po tayo ng refuse, baka wala na po tuloy dumating kasi most clients are just like us din—naghahanap ng ways na maka less sila. We always say "know our worth," but for me (personally lang talaga ha), $5 isn't bad and the tasks mentioned aren't too heavy to do (again, para sa akin lang). Not to mention karamihan sa atin may mga pamilyang binubuhay.

(Just a note about my client: He's very generous and provided a 13th month pay last December and even added a bonus so I could start an HMO plan for my family. I don't think barat sya.)

I guess you can tell naman na you're a pro and it makes the difference.

Ganito na lang, you think hiring me as a pro is expensive? Try hiring an amateur.

share ko lang, i have this client, before who offered me a job, he wanted me to work with him again, he asked me kng serious b daw ako mgtrabaho kasi nga ngddlawang isip dn ako mgwork sknya at d nga nya ko sinahuran he offered me $2 at dahil newbie ako cge na lng kasi i want an experience, kaso nun d nya ko sinahuran kya ngddlawang isip ako, e ngmessage sya, sbi ko i will be serious enough if you will compensate me properly and fairly

You cannot take it against those people who are willing to take the job at 3 or 5 usd. Remember, they don't have the same opportunity that you have. Wag nman natin maliitin yung mga kukuha ng jobs at a lower rate. We don't know their story.

Exactly. Even agencies na mga pinoy ang nagpuput up $3/hour rate ang inooffer (with experience pa ang hanap) nila wherein pwede naman na mas higher tlaga. Know your worth eka nga. Pero sad lang na naging practice nadin na grab nalang ng grab kahit di na makatarungan ang offer 😔

On Point! ... next time nyan mahihirapan na tayo maka deal ng malaking contract because of that.

Top