I was hired by client from Freelancer after using it for a week

Feb 12 '20 Pangililan 4270 clicks ask

Hi. Please help, I need to hear your insight.

  1. The offer is $2 per hour and possible to get an appraisal depende daw sa work and performance

  2. 48 hours a week. So more or less it will give me 20k a month (tama ba?) Haha

  3. Hindi bayad ang 4 weeks of traing. Sad. Per 3 hours ang class training plus may exams/certification na need tapusin and its up to me kung ilang oras ko itatake

  4. They keep on telling me na ang advantage nito ay Long term ang job position. So $2 for now but it will go high eventually

  5. I hesitate to accept na job. Half yes, half no. I got a client from upwork just recently and eraning $8/hour but the job just last for a month.

So, malaki nga pero saglit lang. Ito namang offer ngyon, maliit pero long term.

Btw. Ang job po ang CSR. Live calls.

Any opinion po? Thank you!

22 Replies

4 weeks training? for free? tapos $2/hr lang pag officially hired na? No.. maawa ka sa sarili mo.. unless this is your very first time, Ok lang siguro for few months of experience. :)

very very low. even for a newbie.

Not worth the effort.

3 dollars is the standard minimum for us freelancers.

Kahit po long term p yan mababa masyado ung $2. Gamitin m nalang po ung time for unpaid training para maghanap ng iba 🙂

No in a way, hnd paid ang training tapos 4 weeks pa 😭 btw, natapos nu po lahat ng verificatipn sa identity ng freelancer .com? 🙂 kasi upwork din gamit ko and may nag invite thru freelancer dko pa makuha ang sahod ko

If you wanna gain experience and start establishing a home based career, $2 is acceptable. Medyo mababa pero pwede na din. However, medyo shady ang 4 weeks unpaid training. Masyadong matagal yon, halos free labor na 'yon. May tendency na sabihin sayo that you didnt make the cut after the training, so madaming nasayang na oras, pagod, resources.

Nope. This is a bad offer look for other client who can offer higher amount. Normally kapag CSR 8-10$ yan.

$3/hr standard minimum, and $5-6/hr for calls. super baba and hindi pa bayad training. luging lugi

4 weeks of training? Actual job na papagawa sayo nyan, pustahan. Then gagawa sila ng palusot para kunwari di mo naipasa ang training, tapos hahanap na uli sila ng ibang applicant na makakalibre sila. Kung legit client yan, importante sa kanilang makahanap ng matinong freelancer, kung itetrain ka nila, gusto nila ng assurance na kanila ka nang matagal (what better way to get you to commit than to pay you properly di ba). Alam ng kahit sino yan na pag walang bayad, may tendency na lumipat agad ng bakod pag naofferan sa iba, bakit nila iririsk yun after all the trainings???

ang ganda na ng $8/hr mo, meaning pang ganung level ka na. Sadyang hindi lang ok ang business plan siguro ni ex client kaya di nagtagal ang work, pero wala sayo ang diperensya. Kung maghihintay ka pa at mageeffort uli magapply sa ganung level ng work, for sure may mahahanap kang same rate. Mahirap magpatali sa mababang rate lalo kung alam mong may ibubuga ka pa, nakakaburnout nakakasayang ng oras.

Hindi bayad ang 4 weeks of training? Huwag kang magulat pagtapos ng training mo e sasabihin hindi ka nakapasa ng training nila lol..tapos pinagawa sayo mga actual work na..i suggest wag mo na tanggapin yan..

it's a no for me ✌😁

Luging lugi ka sa 4 weeks unpaid training. Ang matinong clients, reasonable ang offer. Pag hindi resonable, usually mapagsamantalang clients yan.

Didn't expect that you guys will give some of your time to share your insight. THANK YOU SO MUCH!! Appreciated po :) Will going to construct my email na para maayos ko naman maddeclined ung offer. Salamat ng madami! :)

ok na sana long term sya, the drawback is too low parang nakakababa na ng moral. If I were in your shoes I will pass for now or negotiate for $3.

The first step to freelancing/working remotely is deciding if you want to work on project-based work, or be a remote employee for a company that requires you to work the normal working hours.

Grabeng haba ng training tapos $2 /hr lang!!! Kung ganyan kahaba ang training hindi simple trabaho jan.

🐟🐟🐟wala ng free training ngayon. 4 weeks pa. Kahit nga sa agency nag-reimburse sa traininh kapag may client na. Kapag direct hire dapay kahit lower rate sa training. Pero lugi pa rin. Live calls for $2/hr? Kaya lang tayo pumapayag na $25/day sa corpoarate, dahil may fringe benefits. (Insurance, health card, ofc space etc) as a freelancer bukod sa lugi ka na sa pagod mo. Lugi rin sa overhead cost (bills ng kuryente, internet etc..)

Ganito na lang isipin mo. Wag ka masyado magmadali. Apply ka pa ng iba. Be positive na dadating yung tamang job for you na hindi ka ganung mapapagod, maiistress at maghihirap. Kapit lang at apply lang ng apply. :)

While waiting, enhance your skills as well. :)

No for me. Not because of the rate but because of the 4weeks unpaid training.

Top